MANILA, Philippines - Mala-bangungot na problema sa trapiko ang posibleng suungin ng mga motorista at maging ng mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa posibilidad na magkasabay na maipatupad ang EDSA Rehabilitation Project at ang NLEX-SLEX Connector Project.
Nitong nakaraang Biyernes, inaprubahan ng Metro Manila Council ang P3.7 bilyon na proyekto na layong pagandahin ang kahabaan ng EDSA habang nitong Enero 18 naman inaprubahan ng National Economic DeveÂlopment Authority (NEDA) ang P25.55 bilyon Nlex-Slex Connector Project.
Kapwa pangungunaÂhan ng Department of Public Works and Highways ang dalawang naturang proyekto sa Kamaynilaan.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na kailangan ng ibayong ugnayan ang kanilang ahensya sa DPWH ukol sa sistema ng pamamahala sa trapiko, mga isyu tulad ng alternatibong mga ruta at panahon ng pagsasagawa ng natuÂrang mga proyekto.
Kailangan rin umaÂnong tiyakin ng DPWH na maisasaayos ang mga secondary roads na gagawing alternate routes ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA sa loob ng dalawang taon bago umÂpisahan ang rehabilitation.
Nalulungkot si Tolentino dahil maaaring maapektuhan ng naturang proyekto ang inilunsad nilang mga programa sa EDSA tulad na lamang ng “bus stop scheme†at ang “dispatch systemâ€.
Ibinalita naman nito na mas pinahigpit na nila ngayon ang pagbabantay sa bukana at labasan ng EDSA-Cubao underpass makaraang mamonitor na patuloy na nilalabag ng mga bus drivers ang batas na bawal dumaan dito ang mga Metro buses makaraan ang aksidente nitong nakaraang Enero. Nagkabit na umano sila ng mga CCTV camera upang mamonitor ang mga behikulong dumaraan dito.