GOPAC lumagda vs korapsiyon
MANILA, Philippines - Nagtapos na kahapon ang 5th Global Conference of ParÂliamentarians Against Corruption (GOPAC) sa pamamagitan ng paglagda ng Manila Declaration na kumikilala sa United Nations Convention Against Corruption (UNCAC), ang unang kasunduan na
maaring tanggapin sa buong mundo bilang instrument laban sa korupsiyon.
Ayon kay Sen. Edgaro Angara, bagong chair ng GOPAC at kasalukuyang lider ng Southeast Asian Parliamentarians Against Corruption, ang katiwalian ay nasusukat sa pananaw ng mga mamamayan base sa kanilang karanasan.
Sumang-ayon naman ang mga miyembro ng GOPAC na ang korupsiyon ay isang problema na nakakaapekto sa mga mamamayan sa lokal na level at may malaki ring epekto sa buong mundo.
Idinagdag ni Angara na bilang mga mambabatas hindi maaring balewalain na lamang nila ang problema ng katiwalian.
Nagkasundo rin ang mga mambabatas na kasapi ng GOPAC na tutulong sa kanilang mga kasamahan sa pagsugpo ng korupsiyon sa kani-kanilang bansa.
- Latest