76 Obispo kay PNoy: CARP ipatupad na!

MANILA, Philippines - Hinimok ng may 78 miyembro ng Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Pangulong Aquino na pangunahan nito ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na mapapaso na sa Hulyo 2014.

Sa liham na nilagdaan ng mga Obispo, iginiit nila na kailangan direkta nang makialam si Pangulong Aquino sa CARP dahil kapansin-pansin ang malamyang implementasyon nito mula nang malagdaan nuong Agosto 2009 ang CARP Extension with Reforms (CARPER).

Tinukoy pa ng mga Obispo na nararapat lamang na tapusin ni PNoy ang programa na nasimulan ng kanyang ina at naging sentro pa ng social justice program nito nuong panahon ng kanyang administrasyon.

Ilan lamang umano sa mga problema sa implementasyon ng CARPER ay ang kakulangan ng alokasyon sa pondo; malam­yang pagpapatupad sa nasabing programa ng Department of Agrarian Reform at ang patuloy na paglabag sa karapatang pantao na dinaranas ng mga

magsasaka.

Nanawagan din ang mga Obispo na palitan na ni Pangulong Aquino sa pwesto si DAR Secretary Virgilio delos Reyes.

“Revamp the current leadership of DAR, which underperformed these past 2 ½ years,” giit ng mga obispo.

Paliwanag ng mga ito na kung paanong para sa taong 2012, ang target ng Land Acquisition and Distribution (LAD) ay ibinaba mula sa 260,000 ektarya sa 180,000 ektarya na masyadong mababa kumpara noong 2010 at 2011 na tinatayang nasa 254,653 ektarya.

 

Show comments