^

Bansa

US may travel warning vs Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglabas ng panibagong travel warning ang Estados Unidos sa mamamayan nito na iwasan ang pagbiyahe sa Mindanao partikular sa Sulu na pugad ng mga teroristang Abu Sayyaf Group na nagkakanlong sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., nirerespeto ng AFP ang travel advisory na inisyu ng Amerika dahil responsibilidad nitong pangalagaan ang kanilang mamamayan sa loob at labas ng kanilang bansa.

Sa ipinalabas na travel warning ng Bureau of Consular Affairs ng US, tinukoy ang mataas na banta ng kidnapping lalo na sa mga dayuhan sa Sulu kung saan marami pang bihag ang mga bandido kabilang ang dalawang European bird watchers na dinukot noong nakalipas na

taon.

Samantalang marami pa umanong mga kriminal na grupo na palaging nakakaengkuwentro ng militar sa Mindanao lalo na sa mga liblib na lugar.

Inihayag naman ni Burgos na higit pang pag-iibayuhin ng AFP ang pagpapalakas ng security measures at intelligence operations upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

 

ABU SAYYAF GROUP

AMERIKA

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

AYON

BUREAU OF CONSULAR AFFAIRS

CHIEF COL

ESTADOS UNIDOS

JEMAAH ISLAMIYAH

MINDANAO

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with