^

Bansa

Barko pinasok ng tubig, 52 nasagip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa mabilis na pagresponde ng Coast Guard Station Batangas at iba pang unit, naisalba ang may 52 pasahero at napigilan ang paglubog ng isang pampasaherong barko nang makalas umano ang propeller o elise at mapasok ng tubig-dagat, habang nagmamaniobra sa pantalan ng Calapan, Oriental Mindoro, kahapon ng umaga.

Ayon sa Coast Guard Action Center (CGAC) na nakabase sa Maynila, dakong alas 6:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa M/V Baleno 168  kung saan mabilis na inilikas sa ligtas na lugar ang mga pasahero.

Hindi naman nagawang maiayos ang barko na tuluyang lumubog ang kanang bahagi sa tubig.

Pinayuhan na lamang ng PCG ang Besta Shipping Lines na may-ari ng M/V Baleno na magsumite kaagad ng plano kung paano nila maisasalba ang nasabing barko sa maayos na kondisyon.

 

AYON

BESTA SHIPPING LINES

CALAPAN

COAST GUARD ACTION CENTER

COAST GUARD STATION BATANGAS

DAHIL

MAYNILA

ORIENTAL MINDORO

PINAYUHAN

V BALENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with