Corrupt na pangulo ‘wag paupuin - PNoy

MANILA, Philippines - Iginiit ni Pangulong Aquino na hindi na dapat magkaroon ng pagkaka­taon na may maupong corrupt na pangulo ang bansa kaya isinusulong ng kanyang administrasyon ang long-term structural reforms.

Sa kanyang mensahe sa Global Organi­zation of Parliamenta­ rians Against Corruption (GOPAC) con­ference na ginanap sa PICC, Pasay City kahapon, ipinagmalaki ni PNoy sa mga delegado ng GOPAC ang mga na­kamit ng gobyernong Aquino sa paglaban sa corruption tulad ng pagsasampa ng plunder case sa dating pangulo ng Pilipinas at pagpapatalsik sa chief justice.

“No less than a former president (Gloria Ma­capagal-Arroyo) was charged with plunder among other things [and] our own Chief Justice of the Supreme Court was impeached and stripped of his position when he was found to have lied about more than 98% of his cash assets,” wika ni Aquino sa GOPAC forum.

Subalit kapag hindi raw naisulong ng gob­yerno ang structural reform ay baka makabalik sa kapangyarihan ang isang corrupt president o isang chief justice na ‘will betray the public trust’.

 

Show comments