MANILA, Philippines - Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ng Office of the Solicitor General na paÂyagan pa silang makapagsumite ng dagdag na dokumento kaugnay sa isinampang kaso ni Cebu GoÂvernor Gwendolyn Garcia at sa halip ay idineklarang submitted for resolution ang petisyon.
Sa dalawang pahinang resolusyon ng CA12th Division na may petsang Enero 22, 2013, na ipinonente ni Associate Justice Vicente Veloso, ibinasura nito ang mosyon ng OSG para sa pagsusumite ng memorandum of authorities.
Iginiit ng korte na wala nang dagdag na arguÂmento na kailangang matalakay kaugnay sa hinihinging temporary restraining order ng kampo ni Garcia laban sa anim na buwang suspension order na ipinataw sa kanya ng Malacañang. Dahil dito, idineklara nang submitted for resolution ang kahilingan ng kampo ng gobernador para sa TRO.