MANILA, Philippines - Kulong ng 2 taon hanggang P20 taon at multang P300,000 hangÂgang P500,000 ang ipaÂpataw na parusa sa mga driver na makakapatay sa aksidente dahil sa pag mamaneho ng laÂsing o lango sa droga.
Ang panukala na lumusot na sa Senado ay tatawaging Anti-drunk and Drugged Driving Act of 2012 sa sandaling maÂging ganap na batas.
Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kahit pa walang nasaktan o naaksidente habang nagÂÂmamaneho ang susÂpek, makukulong pa rin ito ng tatlong buwan at multang P20,000 hanggang P80,000.
Kung makakaaksidente naman ang violator na magreresulta sa phyÂsical injuries, parusang pagkabilanggo ng 3 buwan hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P200,000 depende sa pinsalang matatamo ng biktima.
Kukumpiskahin din ang lisensiya sa loob ng isang taon, at kung muÂling magmamaneho ng laÂsing o lango sa droga ay habambuhay na siyang taÂtanggalan ng driver’s license.
Para sa mga violators na nagtataglay ng professional driver’s license, ang lisensiya ng mga ito ay habambuhay ng babawiin sa unang conviction pa lamang.
Sinabi pa ni HonaÂsan na magkakaroon na rin ng mandatory alÂcohol at drug testing sa mga drivers na nasangkot sa aksidente na nagresulta sa pagkasugat o pagkaÂmatay ng kanilang biktima.
Sa data ng Land Transportation FranchiÂsing and Regulatory Board (LTFRB) noong 2011, umaÂbot sa 86,602 vehicular accidents ang naitala sa bansa, 3 porsiyento dito ay drug o alcohol relaÂted at 55 porsiyento ay dahil sa “driver’s errorâ€.