^

Bansa

20 years kulong sa driver na lasing, lango sa droga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kulong ng 2 taon hanggang P20 taon at multang P300,000 hang­gang P500,000 ang ipa­pataw na parusa sa mga driver na makakapatay sa aksidente dahil sa pag­ mamaneho ng la­sing o lango sa droga.

Ang panukala na lumusot na sa Senado ay tatawaging Anti-drunk and Drugged Driving Act of 2012 sa sandaling ma­ging ganap na batas.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kahit pa walang nasaktan o naaksidente habang nag­­mamaneho ang sus­pek, makukulong pa rin ito ng tatlong buwan at multang P20,000 hanggang P80,000.

Kung makakaaksidente naman ang violator na magreresulta sa phy­sical injuries, parusang pagkabilanggo ng 3 buwan hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P200,000 depende sa pinsalang matatamo ng biktima.

Kukumpiskahin din ang lisensiya sa loob ng isang taon, at kung mu­ling magmamaneho ng la­sing o lango sa droga ay habambuhay na siyang ta­tanggalan ng driver’s license.

Para sa mga violators na nagtataglay ng professional driver’s license, ang lisensiya ng mga ito ay habambuhay ng babawiin sa unang conviction pa lamang.

Sinabi pa ni Hona­san na magkakaroon na rin ng mandatory al­cohol at drug testing sa mga drivers na nasangkot sa aksidente na nagresulta sa pagkasugat o pagka­matay ng kanilang biktima.

Sa data ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) noong 2011, uma­bot sa 86,602 vehicular accidents ang naitala sa bansa, 3 porsiyento dito ay drug o alcohol rela­ted at 55 porsiyento ay dahil sa “driver’s error”.

AYON

DRIVING ACT

GREGORIO HONASAN

HONA

KUKUMPISKAHIN

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

REGULATORY BOARD

SENATE COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with