MANILA, Philippines - Pag-aarmasin na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga guwardiya na nangaÂngalaga sa seguridad sa mga mall at iba pang estaÂblisimyento partikular sa Metro Manila.
Ang hakbang ay upang hindi na maulit pa ang serye ng robbery/holdup sa Kamaynilaan kabilang ang pag-atake ng hinihinalang ‘Ben PanÂday’ gang sa jewelry store sa SM Megamall sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi, Western Union sa Parañaque City kamakalawa at ang pag-atake kahapon ng “Donut gang†na nakipagbarilan sa mga sekyu sa parking area ng Robinsons Magnolia branch sa Quezon City.
Ayon kay PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) Director P/Chief Supt. Thomas Rentoy, oobligahin na ng kaniyang tanggapan bilang ‘uniform requirement’ sa pag-iisyu ng permit na pagbitbitin ng mga armas ang lahat ng security guards sa mga mall at iba pang establisimyento.
Ayon kay Supt. RenÂtoy, nagawang malusutan ng mga papatakas na kaÂÂwatan na nanloob sa jeÂwelry shop sa ground floor ng SM Megamall ang mga guwardiya ng Lambdan Security Agency dahil walang armas ang mga ito.
Ang Lambdan SecuÂrity Agency ay kabilang sa apat na security agency na nangangasiwa sa seguridad ng SM Megamall.
Nabatid sa opisyal na hindi lahat ng security agency ay pinag-aarmas ang kanilang mga guwardiya sa kahilingan na rin ng mga mall owner.
Pinag-aaralan na rin ng DILG at PNP na irekomenda sa mga lokal na pamahalaan na gamiÂting rekisitos sa pag-iisyu ng business permit ang paglalagay ng CCTV sa loob at labas ng kanilang establisimyento.
Kabilang dito ang mga bangko, pawnshop, jewelry shops, money changers, remittance stores at iba pa na kadalasan ay puntirya ng masasamang loob.
Sa kasalukuyan ay boluntaryo ang paglaÂlagay ng mga CCTV.