Multa sa nagnanakaw ng signal sa internet, cable aprub sa Senado

MANILA, Philippines - Lusot na ang Senate Bill 3345 o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2012 na magpapataw ng multa sa mga nagnanakaw na signal o nagta-tap sa mga cable television at internet connections.

Inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na kung pagbabasehan ang istatistika, mula 2004 ay mahigit na sa P3.92 bilyon ang nawawala sa cable industry dahil sa ‘signal theft at illegal connections’.

Umabot sa 1.5 milyon ang nagta-tap o kumakabit ng iligal sa may mahigit 2 milyon na lehitimong cable subscribers habang nasa P2.13 bilyon ang nawawalang kita ng gobyerno mula sa buwis, import duties at licensing fees.

Ang lalabag ay makukulong ng dalawang taon hanggang limang taon at pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000.

 

Show comments