SSS may pondo sa taas-pension

MANILA, Philippines - May sapat na pondo ang Social Security System (SSS) para sa pagtataas ng pension lalo na ng mga senior citizens.

Natuklasan sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Government Corporations and Public Services na pinamumunuan ni Sen. Ralph Recto, mahigit sa P340 bilyon ang reserve fund ng SSS at umaabot sa P25 bilyon ang nadadagdag sa pondo nito tuwing ika-dalawang taon kaya puwedeng itaas ang natatanggap ng mga pensioners na kalimitan ay mga matatanda na.

Naniniwala si Recto na hindi makakaapekto sa ‘financial viability’ ng SSS ang pagtataas ng pensiyon ng kanilang mga miyembro.

Makakatulong pa anya sa ekonomiya ng bansa ang pagtataas ng pensiyon nito dahil lalakas ang kapasidad ng mga pensionado na gumastos.

Show comments