MANILA, Philippines - Kinondena ng Malacañang ang madugong amÂbush ng New People’s Army (NPA) sa Negros Occidental kung saan ay 9 katao na karamihan ay sibilyan ang napatay ng mga rebelde.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin LaÂcierda, ang inatake ng mga rebelde ay hindi military vehicle kundi isang truck lamang na may lulang mga sibilyan na nagmula sa lamayan sa La Castellana town, Negros.
“This particular vehicle was not a military vehicle. It was a Fuso canter truck and so we condemn the assault on civilians who should not be parties to this heinous act. We’re still verifying and PNP is the lead agency here because one of their personnel was killed and two others were injured,†wika pa ni Lacierda.
Siniguro naman ni DILG Sec. Mar Roxas sa hiwalay na media briefing na hahabulin ng pamahalaan ang mga nasa likod ng nasabing pananambang.