Chikunggunya outbreak sa Samar minomonitor ng DOH
MANILA, Philippines - Minomonitor ngayon ng pamunuan ng Department of Health (DOH) ang napaulat na Chikunggunya outbreak makaraang makapagtala ng 535 na positibo sa nasabing sakit sa lalawigan ng Villareal, Samar.
Nabatid sa report ni Bryant Labastida, information officer ng DOH Region 8, umaabot na sa pitong barangay ang apektado ng Chikunggunya.
Ang Chikunggunya fever ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na may senyales na katulad ng mga nakikita sa dengue fever maliban lang sa pagdurugo ngunit hindi naman umano malaki ang posibilidad na mamatay ang taong nagpositibo sa naturang sakit.
Pinapayuhan ng DOH ang mga residente sa Samar na mag-fogging at pag-ibayuhin ang paglilinis sa kanilang paligid upang malipol ang mga lamok na nagdadala ng naturang sakit.
- Latest