MANILA, Philippines - Hinamon ni House Minority Leader, Quezon Rep. Danilo Suarez ang liderato ng Kamara na aksyunan ang mga nakabinbin na resolusyon na “inuupuan†lang umano ng mga komite.
Partikular na tinukoy ni Rep. Suarez ang panukala niyang imbestigahan ang Quezon shootout at ang muling pagbubukas ng pagdinig sa nawawalang 2,000 container vans na nagpalugi sa gobyerno ng nasa P3.6 bilyong revenue.
Ayon sa solon, mag-iisang taon nang missing ang 2,000 container vans at hanggang ngayon ay hindi pa ito nahahanap.
Nakapagtataka anya kung papaanong hindi na maÂkita ang 20-talampakang container vans na kung susukatin pati ang mga truck na humihila rito ay may sukat na 12 kilometrong haba.
Inaamag na umano ang resolusyon niya na imÂbesÂtigahan ang ilang negosyo na pinagsususpetsahang “nakinabang†sa smuggled goods. Pagkakataon na rin anya ito para linisin ang kanilang mga pangalan.
Hinihingi rin ni Suarez na i-audit ang mga business establishments gaya ng Puregold, na maaari uma nong “recipient†ng smuggled goods mula sa 2,000 container vans.
Ang Puregold ay pag-aari ng negosyanteng si Lucio Co. Sa panig naman ni Zambales Rep. Mitos MagÂÂsaysay, pinaniwala sila na kaya sinuspindi ang pagdinig ay dahil busy si Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas, chair ng sub-committee ng Ways and Means dahil sa Corona impeachment.
Pero matagal ng tapos ang impeachment ngunit hindi na nabuksan pa ang imbestigasyon. Sabi pa ni Magsaysay, may isang taon nang nakaupo si Customs Commissioner Ruffy Biazon subalit wala ring nangyari at hindi na nasiyasat pa ang isyu.