MANILA, Philippines - Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi nila bibigyan ng special treatment sa pagbabalik sa bansa bukas ng ‘utak’ ng Aman Futures pyramiding scam na si Manuel Amalilio na nadakip sa bansang Malaysia.
Ayon kay NBI Deputy Director For Regional OpeÂrations Services Virgilio Mendez, sa NBI detention facility rin ikukulong si Amalilio kasama ng iba pang bilanggo.
Kabilang sa mga nakadetine ngayon sa NBI ay ang iba pang opisyal ng Aman Futures at si Coco Rasuman na lider naman ng Rasuman pyraÂÂmiding scam.
Sinabi ni Mendez, magdaragdag sila ng seguridad dahil sa inaasa hang pagdagsa ng mga biktima ng Aman pyramiÂding scam.