Reklamo sa UNCLOS vs China aprub sa Kamara
MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara ang resolusyon na sumusuporta sa hakbang ng gobyerno na magreklamo na sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) laban sa China dahil sa pang-aagaw nito ng teritoryo sa West PhiÂlippine Sea.
Sa House Resolution 3004 na inihain nina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Majority leader Neptali Gonzales II at Minority Leader Danilo Suarez, hinikayat nito ang sambayanang Filipino na magkaisa sa paglaban sa sovereign rights at hurisdiksyon ng bansa sa nasabing teritoryo.
Kinikilala sa ilalim ng resolution na tama ang hakbang ng gobyerno na idaan sa arbitration ng UNCLOS ang terriÂtorial dispute ng dalawang bansa dahil wala ng ibang pagpipilian pa ang Pilipinas.
Nagawa na umano ng gobyerno ang lahat ng paraang politikal, dipÂlomatiko at legal para ayusin ang gusot na ito bilang pagpapahalaga pa rin sa relasyon sa China.
- Latest