Pinoy na nasabat sa NAIA na may dalang droga, kinasuhan

MANILA, Philippines - Kinasuhan kahapon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa Department of Justice­ (DOJ) ang isang Pinoy na nagmula sa Hongkong matapos itong makumpiskahan ng multi-milyong ha­laga ng droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Kasong paglabag sa Section 3601 at Section 2530 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampang kaso laban sa suspek na si Rosendo B. Ariata.

Ayon kay Biazon, si Ariata ay sakay ng PAL Flight PR 307 at nadakip ng kanyang mga tauhan noong Enero 8, 2013 sa NAIA, Terminal 2 matapos itong ma­kuhanan ng 7.0486 kilong shabu na nagkaka­­ha­laga ng P56 million.

Ang naturang droga ay nakalagay sa bagahe ni Ariata sa 7 rectangular na mga kahon ng gatas.

Sa loob ng third quarter ng taong 2012, ang BoC ay nakaaresto ng pitong dayuhang drug courier at nakakumpiska ng aabot sa 20 kilong shabu na tina­tayang may kabuuang halagang P163 million.

Ang pagkakahuli kay Ariata ang unang accomplishment ng BoC sa unang buwan ng taong 2013. (Butch Quejada/Ludy Bermudo)

 

Show comments