PNoy pa-Switzerland ngayon

MANILA, Philippines - Mamayang gabi aalis si Pangulong Aquino upang dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kasama ng Pangulo ang kanyang maliit na de­legasyon na binubuo ng kanyang mga economic managers sa pagdalo sa WEF sa Davos mula Enero 23-26.

Walang kasamang business delegation si PNoy dahil ang mga chief executive officers ng malalaking kumpanya dito sa bansa ay imbitado mismo ng WEF.

Mamayang alas-11 ng gabi aalis ang Pangulo lulan ng PAL chartered flight 0001 sa NAIA Terminal 2.

Show comments