MANILA, Philippines - Isang pribadong auditing firm ang dapat sumilip kung papaano ginagastos ang pondo ng Senado matapos maging isyu ang pamamahagi ng karagdagang maintenance and other operating expenses (MOOE) ni Senate President Juan Ponce Enrile noong nakaraang taon.
Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter CaÂyetano, kung isang pribadong auditing firm ang sisilip ay mawawala ang masamang hinala sa mga senador.
Ipinaliwanag ni Cayetano na ang pondo ng Commission on Audit (COA) ay dumadaan din sa Senado kaya posibleng magkaroon ng hinala na hindi masuÂsing sinisilip ng komisyon ang pondo ng Mataas na Kapulungan. Kabilang si Cayetano sa apat na senador na hindi buong natanggap ang karagdagang MOOE at hindi nabigyan ng karagdagang P600,000 noong nakaraang Disyembre.
Nauna rito mismong ang COA ang nagsabi na maaaring i-realign ng mga senador ang natipid na pondo katulad ng ginawa ni Senate President Juan Ponce Enrile. Pero sinabi ni Cayetano na bagaman at maari ngang magkaroon ng realignment pero dapat may isang ‘specific public purpose’ kung saan gagastusin ang natipid na pondo.