^

Bansa

Sariling desisyon binabaliktad: Kredibilidad ng SC nawawasak - Lawyer

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang binatikos ng mga batikang abogado, kasama si Dean Amado Valdez ang papalit-palit na desisyon ng kasalukuyang Korte Suprema na nagpapaalala sa panahon ng pinatalsik na dating SC Chief Justice Renato Corona.

Sa manipestong pi­nirmahan ng mga abogado sa pangunguna ni Valdez na chairman ng Philippine Association of Law School at dekano ng UE College of Law, kinondena ang naunang desisyon ng SC, papagbayarin ng P329-M ang Keppel Cebu Shipyard matapos masunog ang Super Ferry 3 habang ginagawa at nakadaong sa Keppel shipyard noong 2000. Ang desisyon ay binawi at binaligtad umano ng Mataas na Hukuman kahit ito’y final and executory na.

Anila, ganyan din ang  nangyari sa Korte Suprema sa  panunungkulan ng pinatalsik na Chief Justice Renato Corona. Ang pagbaliktad anila ay  kapareho din ng iginawad nitong desisyon sa kaso ng Philippine Airline Employees Association o PALEA.

“We have been bo­thered in the past by high-profile incidents of flip-flopping by the highest court of the land. The Cityhood and PALEA cases are notable examples of this disturbing pheno­menon. But nothing has shocked our sensibilities more than the recent case between Pioneer Insu­rance and Surety Corporation and Keppel Cebu Shipyard, Inc,” anang manifesto.

Sa naturang kaso, pinaboran ng SC ang Pioneer Insurance and Surety Corporation at nagpas­yang final and executory na ang ibinaba nitong hatol na inilagay na sa Book of Entries of Judgment ng korte.  Ayon sa manifesto, ang naturang aksyon ng SC ay nangangahulugang sagradong desisyon ng korte at dapat nang ipatupad, pero biglang binago ang desisyon nito.

Napag-alamang sa pamamagitan ng isang sulat kay dating CJ Corona, napigilan ng Keppel Cebu Shipyard ang pagpapatupad ng naunang desisyon ng Mataas na Hukuman pabor sa Pioneer Insu­rance.

 

vuukle comment

BOOK OF ENTRIES OF JUDGMENT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COLLEGE OF LAW

DEAN AMADO VALDEZ

DESISYON

HUKUMAN

KEPPEL CEBU SHIPYARD

KORTE SUPREMA

PIONEER INSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with