MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Joker Arroyo na kaya matagal ang deliberasyon ng Human Rights Repatriation bill sa Senado ay upang matiyak na hindi makakasama rito ang mga pekeng biktima ng human rights ng Marcos regime.
Sinabi ni Sen. Arroyo, nais lamang nilang protektahan na ang P10 bilyong allocated para sa claimants ay mapupunta sa mga totoong biktima ng human rights ng Marcos regime at hindi masasama rito ang mga pekeng claimants.
Aniya, ang board of claimants ay dapat maÂging credible at hindi magkakamali sa pagbibigay ng award at compensation para sa martial law human rights victims.
“Gusto na namin matapos na yan. We only want to guard the integrity of the Board…We are very, very careful about that,†paliwanag pa ng mambabatas.