Online campaign lilimitahan
MANILA, Philippines - Suportado ng mga kongresista ang kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na limitahan ang online at broadcast campaign ads sa telebisyon at radyo ng mga kandidato ngayong midterm elections.
Naniniwala sina Reps. Walden Bello (Akbayan party list), Bernadette Herrera-Dy (Bagong HeÂnerasyon) at Mitos Magsaysay (Zambales) na ang nasabing kautusan ay magiging patas sa lahat ng mga kandidato.
Ayon kay Herrera-Dy, sa nasabing kautusan ay magiging pantay na ang pangangampanya sa pagitan ng mga kandidatong may kakayahang mag-advertise sa media at sa mga kandidato na kulang sa pondo at walang gaanong resources.
Kinatigan din ito ni Magsaysay dahil bukod umano sa patas na ang kampanya ay magiging daan din ito para makapangampanya sa grassroots level at makita mismo ng mga tao ang mga kandidato upang higit pang makilala ng taumbayan.
Tutol naman dito si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe dahil hindi umano lubos na maipapaalam at maibibigay ang mga impormasÂyon at isyu ng bayan sa mga tao gamit ang media na pinakamadali at abot hanggang saan sa bansa.
- Latest