DFA team pa-Algeria, bihag na OFWs aalamin
MANILA, Philippines - Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang team mula sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa Algeria upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad hinggil sa kalagayan ng mga OFWs na kabilang sa 60 katao na bihag pa rin ng Islamist rebels.
Ayon sa report, nag-deÂmand na umano ang mga Islamist kidnappers na palalayain nila ang hawak nilang mga hostage kung pakakawalan ang kanilang kasamahan na nakakulong.
Gayunman hindi kuÂmagat dito ang Estados Unidos kung saan may mga Amerikano na pinaniniwalaang kasama pa sa mga bihag.
Inaalam na rin ng DFA ang ulat na dalawang Pinoy ang kabilang sa 35 hostages na sinasabing napatay sa military assault opeÂrations laban sa Islamic militants na umatake sa isang remote desert gas plant sa Algeria
Base sa report, anim na dayuhan ang napatay sa unang araw ng raid sa Ain Amenas gas plant na kinabibilangan ng Pinoy, Briton at Algerians. Napatay din umano ng Algerian security forces ang 18 militanteng Islamist sa kanilang assault operations.
Isa sa mga Pinoy na nakilalang si Ruben Andrada, isang engineer sa gas plant na nakatakas sa mga kidnappers ang nagsabi na pinakuwintas pa sa kanila ang bomba habang kasagsagan ng rescue operation ng Algerian military forces. Nagtamo siya ng dalawang bahagyang sugat sa katawan at masuwerteng nakaligtas matapos na bombahin ng Algerian assault team ang mga sasakyan na kinalululanan ng Islamists at hostages habang tinatangkang dalhin ang mga bihag patungong Mali.
Nailikas na rin ang 34 pang Pinoy workers mula sa nasabing gas field at ngayon ay nasa Spain na at inaayos ang kanilang repatriation.
Base sa report, umaÂabot sa 600 manggagawa sa gas plant kabilang ang 100 dayuhan kasama na ang dalawang Pinoy hostages ang nailigtas sa rescue operations.
Kabilang pa sa mga un-accounted ay mga Pinoy, Americans, BriÂtons, French, Norwegians, Romanians, Malaysians, Japanese, Algerians na hawak ng mga kidnaper.
Ayon sa Algerian authorities, patuloy ang assault operations sa paÂngunahing gas field na napapaligiran na ng Algerian security forces.
- Latest