MANILA, Philippines - Dapat na mag-isyu ang Department of Health (DOH) ng high alert status sa lahat ng entry points sa bansa kabilang na rito ang Manila, Clark at Cebu.
Ayon kay Deputy SpeaÂker at Zamboanga Rep. Ma. Isabelle Climaco, ito ay upang masiguro na ang mga dayuhan mula sa Amerika ay dadaan muna sa mas mahigpit na screeÂning at matiyak na wala itong dala na nakakahawang flu virus.
Paliwanag pa ni ClimaÂco, dapat maging maagap at maingat ang mga health authorities at agad na determinahin kung kinakailangan na ang mass immunization o bakunahan na ang mga tao upang makaiwas sa nakamamatay na flu virus.
Dapat din paigtingin ng husto ng DOH ang kanilang media plugs upang makapagbigay inpormasyon sa publiko tungkol sa naturang virus.
Giit naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo na simulan na dapat sa mga paliparan ang screening sa mga pumapasok sa bansa lalo’t batay sa Department of Tourism (DOT), pumapaÂngalawa ang US sa tourist arrivals sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre 2012.