MANILA, Philippines - Umaabot na sa 46 katao ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng apat na araw na implementasyon ng gun ban sa buong bansa kaugnay ng halalan sa Mayo.
Ayon kay PNP SpokesÂman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., sa 46 nahuli sa gun ban ay 43 ang sibilyan habang tatlo ay mga empleyado ng gobyerno sa Region 1 at Region V.
Nasa 35 namang mga baril ang nakumÂpiska, 23 rito ay mga maiikling armas habang 12 ay matataas na kalibre.
Nasamsam din sa operasyon ang anim na granada at 12 mga matatalas na patalim.
Pinakamaraming naÂkumÂpiskang baril ang Calabarzon Police sa Southern Tagalog Region sa bilang na 7 armas; kasunod ang NCRPO na nakasamsam ng anim, ikatlo ang Police Regional Office (PRO) 6 na nakakumpiska ng 5, habang ang iba pang PRO ay may tig-2 at tig-isa.
Sinabi ni Cerbo na hindi naman nagkukulang ang PNP sa pagbibigay paalala sa publiko na bawal ang pagdadala ngayon ng mga baril dahil na rin election period pero marami pa rin ang pasaway.
Ang election gun ban ng Comelec ay ipinatupad ng PNP umpisa noong Enero 13 na tatagal hanggang Hunyo 13 na naglalayong maidaos ang mapayapa at matiwasay na mid-term elections.