MANILA, Philippines - Naging comedy ang nangyaring turn-over of command sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ma-â€wow mali†si outgoing AFP chief Jesse Dellosa nang tawagin nitong Paquito Diaz si Executive Secretary PaÂcquito Ochoa Jr.
Nagtawanan ang mga dignitaries sa stage sa Camp Aguinaldo kabilang sina Pangulong Aquino at Ochoa.
Nagkamali si Gen. DelÂlosa sa kanyang speech nang matawag niyang PaÂquito Diaz si ES Ochoa sa kabila na may prepared speech ito.
Nang maramdaman ni Dellosa na mali ang kanÂyang nasabi ay bigÂlang nasabi na lamang nito na “mali ataâ€.
Nagretiro na si Dellosa matapos na abutin nito ang mandatory reÂtirement age na 56 at ang pumalit naman sa kanya ay si incoÂming AFP chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista na commanding general ng Philippine Army (PA).
Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng liderato ni Gen. Bautista ay lalong mananatili ang dignidad at dedikasyon sa pagsisilbi sa taumbayan ang mga sundalo upang makamit ang miÂnimithing kapayapaan.
Nanawagan naman si Gen. Bautista hindi laÂÂmang sa mga sundalo kundi sa taumbayan na tulungan ang AFP sa pagÂsisikap nito na maÂtuldukan na ang rebelÂyon sa bansa upang tuÂÂluyang makamit ang kapayaÂpaan.