MANILA, Philippines - Kasong grave misconduct o neglect of duty ang ikinokonsiderang isampa ng PNP laban sa mga opisyal at tauhan ng Police Regional Office (PRO) IV A na nasangkot sa kontrobersyal na shootout sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao noong Enero 6.
Kabilang sa mga posibleng makasuhan ang nasugatang si Sr. Supt. Hansel Marantan, DeÂputy Chief ng Intelligence Division ng PRO IV A at team leader ng nasabing checkpoint.
Una ng sinibak sa puwesto ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng pulisya na dawit sa nasabing shootout. Kasama rin sa operasyon ang may 25 sundalo.
Nilinaw naman ni PNP Chief Director GeneÂral Alan Purisima na ang mga opisyal ng pulisya at mga tauhan na direkÂtang nagsagawa ng checkpoint operations sa Atimonan ang magkakaroon ng pre-charge dahil sa paglabag sa police opeÂrational procedures.
Sinabi ni Purisima na nakita sa Fact Finding investigation ng PNP na lumabag ang mga ito sa panuntunan sa pagÂlalatag ng checkpoint na nauwi sa madugong shootout.
Kabilang dito ang pagÂsusuot ng kumpletong uniporme, paglalagay ng signage, mobile patrol ng PNP at iba pa.
Alinsunod sa proseso, ibibigay ang rekomendasyon sa tanggapan ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) para sa pre-charge evaluation na siya namang magdedesisyon kung isasailalim ang naturang mga pulis sa summary hearing o pagpapatalsik sa serbisyo.