MANILA, Philippines - Pinanindigan ng abogado ng mga opisyal ng Armed of the Philippines (AFP) na naging back-up ng mga pulis sa Atimonan, Quezon na lehitimo ang isinagawang police operations noong Enero 6 kung saan 13 katao ang namatay.
Sa pagtungo ni Atty. Crisanto Bueala sa NBI Death Investigation Division, kasama ang mga opisyal na sina Major GeÂneral Alan Luga, Southern Luzon Commander; Lt. Colonel Monico Abang at Capt. Erwin Macalinao, Commander ng 3rd Special Forces Company at nanguna sa hanay ng mga sundalo sa checkpoint, sinabi nito na kaÂnilang paninindigan na walang anomalya sa nasabing police operation.
Lumantad kahapon sa NBI ang 42 sundalo at pulis kabilang sina P/Supt. Noel Abu at ang na-relieved na si Region 4 (Calabarzon) Police Director Chief Supt. James Melad.
“This is a legitimate opeÂration. They were asked to assist the PNP (Philippine National Police) under Col. (Hansel) Marantan,†ani Atty. Buella.
Sinabi rin ng abogado na humingi ng responde ang pulisya sa kanyang mga kliyente matapos na maunang magpaputok ang isa sa mga lulan ng isa sa mga sasakyan na hinarang sa checkpoint.
“According to the affidavit, they were fired upon. The person inside the vehicle fired first,†sabi ni Buella.
Nilinaw ni Buella na ang AFP at PNP ay may nilagdaang kasunduan o Memorandum of Agreement na nagsasaad na tutulong ang militar sa PNP sa mga katulad na operasyon sa Quezon.
Binanggit din ni Buella na lahat ng armas na ginamit ng militar ay naisurender na.
Ayon naman kay NBI spokesman Cecilio ZaÂmora, wala pang isinuÂsumiteng affidavit ang mga miyembro ng AFP Special Forces sa NBI at wala rin aniyang sworn statement. Taliwas aniya ito sa sinasabi ni Atty. Buella.
Ani Zamora, maaÂaring ang sinasabi ni Atty. Buella ay yaon lamang mga statement na unang nakalap ng NBI agents nang magsagawa sila ng imbestigasyon sa Quezon.
Samantala, nilinaw naÂman ni Melad, na siya at ang kanyang mga tauhan ay humarap sa NBI upang patunayan na sila ay nakikiisa sa imbestigasyon na ipinag-utos ni Pangulong Aquino.
Niliwanag ni Melad na wala siya sa crime scene kaya wala siyang karapatan na magkomento.
Gayunman, inamin ni Melad na inaprubahan niya ang operation plan at inendorso sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngunit hindi niya alam ang buong detalye o nilaÂlaman ng operational plan na kanyang nilagdaan.
Naniniwala rin si Melad na ang kautusan na i-relieve siya sa puwesto ay upang bigyang daan lamang ang isang patas na imbestigasyon maÂÂtapos ang dalawang magÂkasunod na kontroÂbersiyal na insidente sa kanyang nasasakupan ngayong buwang ito.
Ayon kay Melad, ang pag-relieve ng mga police officers sa kasagsagan ng imbestigasyon ay normal na proseso lamang na ipinapatupad ng DILG na siyang may full supervisory control at administrasyon sa PNP.
Si Melad ay matatandaang ni-relieved ni DILG Secretary Mar Roxas maÂtapos masangkot ang mga operatiba ng Batangas Provincial Police Office sa isang bungled opeÂration sa bayan ng San Juan noong Lunes, na ikinasawi ni Fernando “Pandoy†Morales, na umaÂÂno’y tauhan ng hinihinalang illegal gambling lord na si Vic Siman. Si Siman ay isa sa 13 laÂlaki na nasawi sa umano’y shootout sa Atimonan.
Sinabi ni Melad na naniniwala siya sa justice system ng bansa at hinimok ang iba pang police personnel na sumunod.
Naniniwala rin si Melad na sa pamamagitan ng isiÂnasagawang imbestigasyon ng NBI ay lalabas ang katotohanan hinggil sa naturang mga kontroÂbersiyal na pangyayari.
Umapela rin si Melad sa media na ibase ang kaÂnilang mga ulat sa facts at hindi sa opinion at ispekulasyon lamang.