MANILA, Philippines - Inumpisahan ng mga customs examiners sa the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang pagsusuot ng medical mask para proteksyunan ang kanilang mga sarili tungkol sa ulat na may 19,000 katao sa Estados Unidos ang naapektuhan ng lagnat at sipon na sinasabing kumakalat ngayon.
Ayon kay Dr. Edgar Maala ng Human Quarantine, nais lamang ng mga customs examiner at iba pang empleyado sa NAIA na hindi mahawaan ng sakit ng mga dumarating na pasahero mula sa USA.
Base sa impormasyon, may flu epedemia ngayon sa 47 states kabilang na rito ang California, Mississippi at Hawaii.
Sinabi Dr. Maala, ang lagnat aniya ay kadalasan nakukuha sa mga malalamig na bansa at dahil winter time ngayon sa America, China, Japan, West Bank, the Gaza Strip, Algeria at sa the Republic of Congo na kalimitan nararamdaman ay ang pag-ubo, lagnat, sipon, sakit ng ulo at katawan.