Bagong ‘China map’ sakop ang WPS ilalabas
MANILA, Philippines - Inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na nakatakda umanong magpalabas ang China ng kanilang bagong mapa ng kanilang bansa na nasasakop ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez nagpadala na sila ng mensahe o komunikasyon sa Beijing upang beripikahin ang nasabing report na may bagong mapa ang China at nakatakda nilang ipalabas.
Layunin ng komunikasyon ng DFA sa China na malaman kung hanggang saan ang kover o sasakupin ng China sa WPS.
Sinabi ni Hernandez na gagawa lamang ng kasunod na aksyon ang pamahalaan kapag natanggap na ng Embahada ng Pilipinas ang kasagutan o kumpirmasÂyon ng China sa nasabing ulat.
Kapag nakita umanong may nilabag ang China at nasakop nito ang teritoryo ng Pilipinas ay agad na maghahain ng diplomatic protest ang DFA.
Base sa report, kabilang sa sasakupin ng China sa kanilang ilalathalang bagong mapa ngayong katapusan ng Enero ay ang Spratly Islands, Paracel Islands, Pratas Islands, Macclesfield Bank, at Scarborough o Panatag Shoal.
- Latest