Social media babantayan ng Comelec

MANILA, Philippines - Hindi palalampasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga networking sites upang matiyak na hindi ito ma­gagamit ng mga pulitiko ngayong panahon ng ha­lalan sa kanilang pa­­ngangampanya.

Sa ginanap na Bali­taan sa Tinapayan, inamin ni Comelec spokesman James Jimenez na hindi nila kayang kontrolin ang social network na may malaking kontribusyon nga­yon sa panga­ngam­panya ng isang kandidato.

“Ang babantayan natin diyan ay iyong mga ibinebentang ads sa iba’t ibang web site,” ani Jimenez.

Kasunod nito ay pi­na­yuhan ni Jimenez ang publiko na i-unfriend o huwag ng sundan o i-unfollow na lang ang mga makukulit na pulitiko na pumapasok sa kanilang mga account.

Ngunit mas makabu­buti rin aniya na bigyan na lamang ng pansin ng publiko lalo na at kung ang layunin ay para makilala nang husto ang kandidato.

 

Show comments