Jueteng link sa Atimonan shootout pinaiimbestigahan
MANILA, Philippines - Dahil lumulutang ang isyung jueteng at illegal numbers game sa nangyaring pagpatay sa 13 katao sa Atimonan, Quezon iginiit kahapon ni Senator Aquilino “Koko†Pimentel III sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magsagawa ng isang malalimang imbestigasyon ang ahensiya.
Ayon kay Pimentel, chairman ng Senate Committee on Games and Amusement, dapat ding maliwanagan kung bakit ang sinasabing jueteng/STL operator sa Batangas at Laguna na si Victorino “Vic Siman†Atienza Jr., ay kasama ng grupo na kinabibilaÂngan ng isang mataas na opisyal ng pulisya at dalawang sundalo na kasama rin sa mga napatay.
Naniniwala si Pimentel na maraming pangyayari ang hindi pa naliliwanagan lalo pa ang sinasabing awayan sa illegal numbers game kaya dapat mag-imbestiga rin ang PCSO.
Kung totoo umanong jueteng operator ang isa sa mga napatay kuwestiyonable kung bakit kasama nito sa sasakyan ang isang mataas na opisyal ng pulisya.
“Why was an alleged jueteng operator in the same vehicle convoy as a high-ranking police officer? Was he in their custody? It is that kind of company that the concerned police officers seem to keep that fuels belief by the public that some law enforcers give protection to jueteng operators,†ani Pimentel.
Idinagdag pa ng senador na kung nais talaga ng Philippine National Police na mawala na ang jueteng sa bansa dapat hindi tumigil sa paghabol sa mga sangkot sa nasabing ilegal na sugal.
- Latest