US warship dadaong sa Subic

MANILA, Philippines - Isa pang US warship ang dadaong ngayong araw sa Subic Bay.

Sa press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps, ang USS Guardian (MCM 5) ay magsasagawa ng routine port call at fuel stop sa Subic Bay.

“This visit will allow the ship to replenish supplies as well as give the crew an opportunity for rest and relaxation,” anang US Embassy.

Matapos naman ang magdamag na port call visit sa Subic Bay ay bibisita rin sa Puerto Princesa City ang nasabing US warship.

Ang USS Guardian ay nakatalaga sa US Navy’s 7th Fleet na nakadeploy sa Sasebo, Japan.

Lulan nito ang may 80 officers at enlisted personnel kabilang ang walong Filipino-American.

Ang pinakamataas na enlisted sailor nito ay isang Fil-Am na tubong Olongapo City.

Show comments