Ramos nag-resign sa NDRRMC
MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit 3 taong serbisyo publiko sa disaster and relief opeÂrations, nag-resign na kahapon sa puwesto si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos.
Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Spokesman Dr. Reuben Peter Paul Galvez na kahapon ng umaga ay personal na isinumite ni Ramos kay Defense Chief Secretary Voltaire Gazmin ang kaniyang resignation letter.
Sinabi ni Galvez na nagdesisyon si Ramos na magbitiw sa puwesto upang bigyan ng ‘quality time’ ang misis nito na lumulubha ang kondisyon sa sakit na diabetes. Ang maybahay ni Ramos ay may 20 taon ng pinahihirapan ng nasabing karamdaman.
Nabatid na dalaÂwang beses na plinano ni Ramos ang magbitiw sa puwesto pero dahil sa maÂtinding epekto ng bagyong Sendong at Pablo ay ipinagpaliban ito matapos na pigilan ni Gazmin.
Si Ramos ay isang dating Army ret. Major General na mula sa Special Forces na natalaga sa NDRRMC matapos na maluklok sa puwesto si Pangulong Aquino noong Hulyo 2010.
Si Ramos ay tinaguriang ‘darling of the press“ ng Defense reporters dahil sa mahusay nitong pakikitungo sa media.
Kinumpirma naman ng Malacañang ang pagbibitiw ni Ramos pero wala pang aksyon dito ang Pangulo. (Joy Cantos/Rudy Andal)
- Latest