ALAM nag-file ng kasong contempt vs COMELEC

MANILA, Philippines -  Nagsampa kahapon ng kasong contempt sa Korte Suprema ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) Partylist Group laban kay Comelec  Chairman Sixto Brillantes at iba pang Com­mis­sioner sa Comelec dahil sa umanoy hindi pagtupad ng ahensiya sa kautusan ng Supreme Court.

Binigyang diin ni ALAM Pres. Berteni Cataluña Causing na nainsulto ang SC sa ginawa nina Brillantes, at Comm. Rene V. Sarmiento, Lucenito N. Tagle, Armando C. Ve­lasco, Elias R. Yusoph, Christian Robert S. Lim, at Ma. Gracia Cielo M. Padaca nang isnabin ang utos ng Korte Suprema.

Una nang nagpalabas ng status quo order ang SC na nag-uutos sa Comelec na payagan ang 13 partylist representative kasama na dito ang Alam para makiisa sa darating na 2013 May elections.

Nilinaw ni Causing na hindi maaaring isnabin ng Comelec ang utos na ito ng SC.

 

Show comments