30 Sangkot sa rice smuggling kinasuhan

MANILA, Philippines -  Sinampahan ng kasong smuggling ng  Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ)  ang 30 katao na  sangkot sa pagpupuslit ng libu-libong sako ng bigas sa pamamagitan ng Port of Legazpi City sa Bicol Region.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon,  ang 30 indibiduwal ay pawang opisyal ang apat na  Central Luzon-based Multi-Purpose cooperative na mga consignee ng 78,000 sako ng bigas mula sa Viet­nam  na nagkakahalaga ng  P93,600,000.

Ang nabanggit na kontrabando aniya ay dumaong sa Bicol port  noong  Setyembre 2, 2012 ng  walang sapat na dokumento gaya ng import permit na isang paglabag sa Sections 101 at  3601 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Lampas din aniya sa quota ng rice importation ang ginawa ng apat na kooperatiba.

Sinabi ni Biazon, kanilang suportado ang layunin ng mga kooperatiba subalit kailangan pa ring pairalin ang regulasyon ng  kawanihan.  

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang mga director ng Pampanga-based Kapatirang Takusa Multi-Purpose Cooperative na sina Orlando Manimbot, Juanito Mangilit, Joseph Guevarra, Alfredo Manimbo, Tommy Navarro, Jaime Bitangcol at Efren Bulaon. Ugnayan Magbubukid ng San Isidro Cooperative na sina Emily Alabado, Christopher Hernandez, Editha Alabado, Teresita Manalastas, Arly Guevarra, Luciano Alabado at Santiago B. Francisco. Bulacan-based Malampampang Concerned Citizens Multi-Purpose Coo­perative na sina Cipriano Evangelista, Ernesto Gonzales, Guillermo Marcelo, Edgardo Evangelista, Henry Ochoco, Milagros Pelayo, Nelson Evangelista, Arden Evangelista at Jessie De la Cruz at mga opisyal ng Samahang Magsasaka Kapampangan at Ka­ta­galogan Multi-Purpose Cooperative na sina Maximo Hernandez, John Ray Retobado, Ponciano B. Her­nandez, Dominador P. Lalu, Felipe A. Mangilit, Mi­ chael Manliclic at Danilo Santos.

 

Show comments