MANILA, Philippines - Alamin ang motibo!
Ito ang inutos ni PaÂngulong Aquino sa binuong fact finding team ng PNP at NBI kaugnay sa nangyaÂring shootout sa lalawigan ng Quezon kung saan 13 katao ang nasawi, kabilang ang 3 pulis at 2 sundalo.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, gustong malaman ng Pangulo ang buong detalye at alamin din ang alegasyon na rubout ang nangyari.
Naunang inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ‘legitimate’ ang operasÂyon ng PNP matapos makatanggap ng ulat na may grupo ng gun for hire group ang dadaan sa Atimonan kaya naglagay sila ng checkpoint.
Iimbestigahan din ang alegasyon na may naÂwawalang P100 milyon na dala daw ng mga nasawi sa kanilang sasakyan.
Humihingi ng kataruÂngan ang pamilya ng mga nasawi sa Aquino government na imbestigahan ang nangyari dahil naniniwala silang ‘rubout’ ito.
Ang nanguna sa checkpoint na si Supt. Hansel Marantan ng Calabarzon regional intelligence office ay nasangkot na rin umano sa Ortigas shootout noong 2005. Nasugatan si Marantan nang makipagbarilan daw ang grupo ni Supt. Alfredo Perez Consemino, chief of operations of Police Regional Office-Mimaropa.
Kabilang din sa mga nasawi sina SPO1 Gruet Mantuano, PO1 Jeffey Valdez at ang sundalong si S/Sgt. Armando Aranda Lescano. Nasawi din ang suspected gambling lord na si Victorino Siman Atienza, Gerry Ancero Siman, Conrado Decillo, Leonardo Catapang Marasigan, Victor Garcia Gonzales, Tirso Lontoc na kaanak daw ni Agriculture Sec. Proceso Alcala, Maximo Manalastas Pelayo, Jimbeam Dyico Justiniani at Paul Arcedillo Quiohilag. Labing apat na firearm ang narecover ng pulisya sa crime scene at isa lamang dito ang loose firearm.
Pinaniniwalaan na may kinalaman sa jueteng ang ugat ng shootout.
Iginiit naman ni Marantan sa PNP na pangalanan ang kanyang kapatid na sinasabing involve umano sa illegal jueteng sa Calamba City na karibal sa negosyo ni Siman kasabay ang paninindigan na lehitimo ang kanilang operasyon na suportado ni Calabarzon chief James Melad.
Sinabi naman ni Sen. Ping Lacson na bahagi ng isang malaking grupo na sangkot sa “political assassination†ang mga napaslang at tiniyak na lehitimo ang nasabing opeÂrasyon laban sa grupo.
“Those who were killed in Quezon Province were just part of a much bigger group whose other members are now the subject of continuing follow up operations by police intelligence operatives…That’s it. (Part of a big group involved in) assassination of political opponents,†ani Lacson.
Naniniwala si Lacson sa natanggap niyang impormasyon na matagal ng tinitiktikan ng Provincial Regional Office (PRO) 4-A ang ilegal na gawain ng grupo kung saan kabilang ang 13 napaslang.