MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) ang pag-atake sa mamamahayag na si Orlando Mauricio, publisher-editor of Metro News Bulacan ang Malolos City Budget Office.
Nabatid na hindi pinaÂyagan ng isang Jay Lopez si Mauricio na makalapit sa bidding ng bagong city hall at public market ng Malolos City at pinalabas sa harapan mismo ng publiko.
Si Lopez ay sinasabing driver ng City Budget Officer na si Delfin Natividad.
Ayon sa AFIMA, ang ginawa umano ni Lopez ay hindi lamang pagpapakita ng kawalan ng resÂpeto kundi paglabag sa karapatan ng ordinaryong mamamayan at paglabag sa press freedom.
Sinampahan na ng kasong unjust vexation at grave coercion si Lopez dahil sa hindi makataong pagtrato kay Mauricio.
Nanawagan ang AFIMA kay Delfin Natividad na maging responsable at patawan ng parusa ang kanyang driver.
Nanawagan din ang grupo sa mga awtoridad na huwag kunsintihin ang mga ganitong uri ng pag-atake sa mga mamamahayag.