Pagbubukas ng Tandang Sora Museum, pinangunahan ni Joy B

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Que­zon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas sa  Tandang Sora Museum na naging  senyales ng pagtatapos ng bicentennial birth anniversary ng baya­ning si Melchora “Tandang Sora’’ Aquino kamakalawa.

Ayon kay Vice Mayor  Belmonte ang museum  na nasa Tandang Sora National Shrine sa Banlat ay katatagpuan ng mga labi nito na kilalang  “Grand Old Lady of the Katipunan.”

Makikita sa naturang shrine  ang sculptures ng mga renowned visual artists na sina  Abdulmari Imao, Toym Leon Imao at Frederic Caedo na nagpapakita ng bawat yugto ng buhay ni Tandang Sora. Ang shrine ay naideklarang  National Shrine  ng National Historical Commission of the Philippines noong Enero  4, 2012.

Sinabi ni Belmonte na ang Bicentennial Museum  ay kakikitaan ng lahat ng cultural works na likha ng mga mag- aaral at artists  mula sa QC bilang pagkilala  kay  Tandang Sora.

Idinagdag pa nito na  ang Tandang Sora National Shrine at Bicentennial Museum ay bukas sa publiko mula alas-9 ng umaga hanggang alas- 5  ng hapon mula Martes hanggang Sabado.

 

Show comments