Pagbubukas ng Tandang Sora Museum, pinangunahan ni Joy B
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni QueÂzon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas sa Tandang Sora Museum na naging senyales ng pagtatapos ng bicentennial birth anniversary ng bayaÂning si Melchora “Tandang Sora’’ Aquino kamakalawa.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte ang museum na nasa Tandang Sora National Shrine sa Banlat ay katatagpuan ng mga labi nito na kilalang “Grand Old Lady of the Katipunan.â€
Makikita sa naturang shrine ang sculptures ng mga renowned visual artists na sina Abdulmari Imao, Toym Leon Imao at Frederic Caedo na nagpapakita ng bawat yugto ng buhay ni Tandang Sora. Ang shrine ay naideklarang National Shrine ng National Historical Commission of the Philippines noong Enero 4, 2012.
Sinabi ni Belmonte na ang Bicentennial Museum ay kakikitaan ng lahat ng cultural works na likha ng mga mag- aaral at artists mula sa QC bilang pagkilala kay Tandang Sora.
Idinagdag pa nito na ang Tandang Sora National Shrine at Bicentennial Museum ay bukas sa publiko mula alas-9 ng umaga hanggang alas- 5 ng hapon mula Martes hanggang Sabado.
- Latest