MANILA, Philippines - Nakuha ng SmartmaÂtic-Total Information Management Corporation ang tatlong proyekto na may kinalaman sa 2013 elections sa isinagawang bidding ng Commission on Elections (Comelec).
Ang mga nasabing proÂyekto ay nagkakahalaga ng halos 700 milyong piso o kabuuang P686.28 milyon.
Batay sa tatlong Notices of Awards na inisyu ng CoÂmelec, ang Smartmatic-TIM ang magsisilbing provider ng compact flash cards at transmission modems na gagamitin sa Eleksyon 2013.
Naipanalo rin ng Smartmatic-TIM ang bidding para sa electronic transmission ng resulta ng eleksyon na nagkakahalaga naman ng mahigit 485.5-M.
Kaugnay nito, inataÂsan na ng Comelec ang nasabing kumpanya na maglagak ng kanilang performance security, gayundin ng cash bond, letter of credit, at surety bond.