Kahit may travel advisory Turista pinahaba ang bakasyon sa Pinas

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga ne­gatibong travel advisories laban sa Pilipinas, mas ninais pa ng milyun-mil­yong turista na manatili at magbakasyon sa bansa.

Ito ang ipinagmalaki ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. kung saan sinabi nito na karamihan sa mga turistang namasyal sa Pilipinas noong 2012 ay ninais pang palawigin ang kanilang pananatili o lampas pa sa panahong itinakda sa kanilang mga visa.

Aniya, mula Ene­ro hanggang Disyembre 2012, umaabot sa 172,055 ang prinosesong applications for visa extension ng BI, mas mataas ng 13 porsiyento noong 2011 na 151,913.

Sa record ng BI, karami­han sa mga dayuhang tu­rista ay South Koreans, Americans, Chinese (mula sa China at Taiwan).

Show comments