Mas epektibong programa ipapatupad vs smuggling
MANILA, Philippines - Magpapatupad ng mas epektibong programa ang pamunuan ng Bureau of Customs (BoC) upang tuluyan ng mabuwag ang smuggling operation ng iba’t-ibang produkto sa bansa.
Tiniyak ni BoC Comm. Ruffy Biazon kay Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras nang sila ay mag-usap na lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabantay at pagtugis ng mga smuggled na paputok na piccolo, bigas, sigarilyo at iba pang produkto.
Sa isang press briefing kamakailan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sinabi nito na nag-usap na sina Biazon at Almendras hinggil sa naturang usapin, kung saan kuntento naman ang kalihim sa naging aksiyon ng BoC hinggil sa paglipana ng mga naturang kontrabando.
“I have spoken to Customs Commissioner Biazon about the piccolo and he is already taking action on it. They already had some confiscation in the past but are now aiming for a more effective program,†pahayag ni Sec. Almendras. Sinabi ni Sec. Almendras, nagagalak siya sa pagpapatupad ng BoC ng mas epektibong mga programa para tuluyan ng masugpo ang smuggling sa bansa.
Maging ang Pangulong Benigno Aquino III ay umaasa na mapapahusay ng BoC ang kanilang anti-smuggling campaign, na tuluyang susugpo sa lahat ng illegal na gawain sa iba’t-ibang pantalan sa bansa upang mapataas ang koleksyon ng buwis ngayon taon.
- Latest