MANILA, Philippines - Namatay si Gloria Macam Ragudos sa edad na 54 noong nakaraang Enero 2 sanhi ng hika at atake sa puso. Si “Ate Glo” na tubong San Carlos City, Pangasinan ay ina ni Pilipino Mirror correspondent Marivic Ragudos. Naulila niya ang asawang si Delmar Sr., mga anak na sina Beverly, Elpidio, Mary Rose, Margie, Marivic, Delmar Jr. Mark Gil, Marjorie at mga apo.Nakahimlay ang labi ni Ate Glo sa kanilang tahanan sa Block 3, Lot 27, Phase 4A, Palmera Northwinds City, San Jose del Monte City at nakatakda siyang ilibing sa Enero 10.