MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni dating Senator Richard Gordon na dapat palakasin ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines dahil hindi naman tutulungan ng mga Amerikano ang Pilipinas.
Ayon kay Gordon, dapat ipakita ng bansa na kaya nitong ipagtanggol ang sariling soberenya sa gitna ng nangyayaring problema sa West Philippine Sea.
“We are alone here. We have to proceed alone dahil hindi tayo tutulungan ng mga Amerikano,” sabi ni Gordon.
Sinabi pa ni Gordon na dapat mag-invest ang gobyerno sa pagpapalakas ng AFP para ipakita sa ibang bansa na seryoso ang gobyerno na lumaban sa sakaling magkaroon ng “hostile intrusion” o aggression.
“The government should make a commitment to strengthen the AFP. Kung hindi natin ipapakita na meron tayong ngipin kahit papaano, itutulak-tulak tayo ng China. A strong military is an ace in our foreign relations,” wika niya.
Ayon sa ulat, namataan ang Chinese patrol ship Haixun 21 kamakailan na naglalayag sa pinagtatalunang teritoryo sa ilalim ng Maritime Safety Administration ng Hainan province.