^

Bansa

Hindi tayo tutulungan ng Kano – Gordon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni da­ting Senator Richard Gordon na dapat palakasin ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines dahil hindi naman tutulu­ngan ng mga Amerikano ang Pilipinas.

Ayon kay Gordon, dapat ipakita ng bansa na kaya nitong ipagtanggol ang sariling soberenya sa gitna ng nangyayaring problema sa West Philippine Sea.

 “We are alone here. We have to proceed alone dahil hindi tayo tutulungan ng mga Amerikano,” sabi ni Gordon.

Sinabi pa ni Gordon na dapat mag-invest ang gobyerno sa pagpapalakas ng AFP para ipakita sa ibang bansa na seryoso ang gobyerno na lumaban sa sakaling magkaroon ng “hostile intrusion” o aggression.

“The government should make a commitment to strengthen the AFP. Kung hindi natin ipapakita na meron tayong ngipin kahit papaano, itutulak-tulak tayo ng China. A strong military is an ace in our foreign relations,” wika niya.

 Ayon sa ulat, nama­taan ang Chinese patrol ship Haixun 21 kamakailan na naglalayag sa pinagtatalunang teritor­yo sa ilalim ng Maritime Safety Administration ng Hainan province.

AMERIKANO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

GORDON

HAINAN

HAIXUN

IGINIIT

MARITIME SAFETY ADMINISTRATION

SENATOR RICHARD GORDON

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with