MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na ire-review ng kaniyang komite ang lahat ng mga ordinansa ng mga lokal na gobyerno at mga panukalang batas na naglalayong i-ban na ang paggamit ng paputok sa bansa.
Kabilang sa titingnan ng komite ni Honasan ang panukala nina Senators Miriam Defensor-Santiago at Manny Villar na i-regulate ang paggamit ng paputok sa bansa upang maiwasan ang napakaraming nadi-disgrasya tuwing sumasapit ang Bagong Taon.
Inihalimbawa ni Honasan ang mga probinsiya ng Davao at Ormoc kung saan ipinagbabawal na ang paggamit ng paputok.
“Balak (ko) talaga mag-conduct ng hearing to see if it will require a national law.Like Davao and Ormoc,”ani Honasan.
Titingnan ng komite ni Honasan kung kinakailangan pang magpasa ng isang national law para ipatupad sa buong bansa.
Matatandaan na sa kabila ng kampanya ng Department of Health laban sa paggamit ng paputok marami pa rin ang mga naging biktima sa pagpasok ng 2013.