^

Bansa

Ordinansa sa paputok rerebisahin ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na ire-review ng kaniyang komite ang lahat ng mga ordinansa ng mga lokal na gobyerno at mga panukalang batas na naglalayong i-ban na ang paggamit ng paputok sa bansa.

Kabilang sa titingnan ng komite ni Honasan ang panukala nina Senators Miriam Defensor-Santiago at Manny Villar na i-regulate ang paggamit ng paputok sa bansa upang maiwasan ang napakara­ming nadi-disgrasya tuwing sumasapit ang Bagong Taon.

Inihalimbawa ni Honasan ang mga probinsiya ng Davao at Ormoc kung saan ipinagbabawal na ang paggamit ng paputok.

“Balak (ko) talaga mag-conduct ng hearing to see if it will require a national law.Like Davao and Ormoc,”ani Honasan.

Titingnan ng komite ni Honasan kung kinakaila­ngan pang magpasa ng isang national law para ipatupad sa buong bansa.

Matatandaan na sa kabila ng kampanya ng Department of Health laban sa paggamit ng paputok marami pa rin ang mga naging biktima sa pagpasok ng 2013.

BAGONG TAON

BALAK

DAVAO

DEPARTMENT OF HEALTH

HONASAN

LIKE DAVAO AND ORMOC

MANNY VILLAR

SENATE COMMITTEE

SENATOR GREGORIO HONASAN

SENATORS MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with