^

Bansa

2012 ‘deadliest year’ sa mediamen - IPI

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumalabas sa pag-aaral ng Vienna-based media watchdog na ang taong 2012 ang tinaguriang ‘deadliest year for journalists’ at ang Pilipinas sa mga bansa na nananatiling may mataas na antas o banta ng media killings.

Ayon sa International Press Institute, sa nagdaang taon ay umaabot sa 132 mamamahayag ang napatay habang nasa trrabaho o ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Mula sa nasabing bilang, 31 mamamahayag at walong Syrian repor­ters ang napatay sa Syria lamang noong 2012.

Naitala na umaabot naman sa 110 journalists ang napatay noong 2007 habang 102 noong 2011.

Ayon sa IPI, lubhang nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga napaslang na mediamen nitong 2012.

Bukod sa Pilipinas, kabilang sa mga bansang may mataas na antas ng media killings ay ang Syria, Somalia, Brazil,  Honduras, Mexico, Pakistan at iba pang rehiyon na kinokonsiderang delikado sa mga mamamahayag.

Sa Turkey ay may 70 journalists ang nakakulong at sinasabing ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nakapiit na mamamahayag dahil sa pagtupad ng kanilang tungkulin kumpara sa ibang mga bansa.

Habang isinusulong sa Pilipinas ang decriminalization ng libel, sinabi ng IPI na ang bansang Grenada ay inalis na ang libel habang sa Myanmar ay abolished na ang pre-republican censorship na pabor sa mga mamamahayag.

AYON

BUKOD

HABANG

INTERNATIONAL PRESS INSTITUTE

LUMALABAS

MULA

MYANMAR

PILIPINAS

SA TURKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with